no metro uno
pigil ang bulong ng mga dahon
sa pagihip ng mapag-arugang panahon
mga damon'g animo'y inaalon
habang pinatutulog ng ambon
bawat mga sanga't mga ibon
lihim at tagong lilim
sa tuhod ng puno'y kimkim
sa kubli ng hapong dilim
anino sa liwanag ng takipsilim
walang supling ni talulot
sa gilid ng mga ugat na baluktot
dampi ng hangin dala'y kaway na umuungot
ngitngitan sa pagitang may sinsin'at kipot
sang sanga ng kahoy na walang saplot
init unti-unting pumapanaw
pag higa ng haring araw
wala nang pawis ngunit wala pang ginaw
sinagtala'y singkit pa't mapanglaw
inaabot na langit isang lutang na higaan
pagakyat ng buwan paglalayag na dahangdahan
may indak na mistulang idinuduyan
sayaw ng ulilang kawayan
no metro uno : ang dalamhating paglalahad ng nagtatagong puso
vicente katipunan
ang kwento ng pagnanasa ng amihan sa kawayan
isang nagkukunyaring alegorya at nagbalatkayong kalaswaan

Labels: amihan, bulong, haring araw, kalaswaan, nagtatagong puso, paglalayag, sinagtala, takipsilim, tula, ulilang kawayan
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home