palubog ng haring araw
Sa pag hati ng gabi, sa kabilang dako ng tagong buwan
Sa g’ayon bumubuhaghag ang liwanag ng kristalang sinag ng luha
Noon, bumabaha ang pag-ibig na kumakawala’t nagwawala
Nawawala ang sangkasarilinan sa bigkis ng tadahanang manhid
Ano p’ang silbi ng mga palamuting tala kung sila’y tatalima’t
Maghahayag ng pabugso-bugsong kislap kapag ang haring araw ay
Pumanaog na mula sa kaharian ng mga ulan at mapagkubling hamog at ulap
Saan ang kapararakan hantungang landas ng kaluluwang lagalag
Anong kahinatnan ng nanginginig sa basang ilado na kalamnan.
‘Sang handog na nakangising pag-aaruga, pangungulila’t pang-aasam
Sa na ngayo’y nagmimistulang lang na ‘sang pagaala-alang gunita
Ikalawa ng Pebrero Dos Mil Otso Anyo
Mahahagkan pa ba ng iyong mga mata ang pait ng mugto kong
Dilang ubod talim na sadyang kalalimang sa talas at tabas
Magtatampisaw ba ang iyong mga paa sa lalim ng kaalatan
Ng dagat-dagatan at talampas kong’ luha, sa kanilang agos at baha
San lumiko ang batis ng iyong ngiti at pagbati
bakit ni wala nang ‘sa man lang gapatak na halakhak
Kanino na ngayon manunuluyan ang puso kong
nagsisinungaling at mapagtago
para sa kahapon
para sa bukang liwayway bukas
ily
vicente katipunan sanchez
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home