SubscribeBlog Snip

Tuesday, July 22, 2008

pikit mata

Sa pag hati ng gabi, sa kabilang dako ng tagong buwan

Sa g’ayon bumubuhaghag ang liwanag ng kristalang sinag ng luha

Noon, bumabaha ang pag-ibig na kumakawala’t nagwawala

Nawawala ang sangkasarilinan sa bigkis ng tadahanang manhid

Ano p’ang silbi ng mga palamuting tala kung sila’y tatalima’t

Maghahayag ng pabugso-bugsong kislap kapag ang haring araw ay

Pumanaog na mula sa kaharian ng mga ulan at mapagkubling hamog at ulap

Saan ang kapararakan hantungang landas ng kaluluwang lagalag

Anong kahinatnan ng nanginginig sa basang ilado na kalamnan.

‘Sang handog na nakangising pag-aaruga, pangungulila’t pang-aasam

Sa na ngayo’y nagmimistulang lang na ‘sang pagaala-alang gunita

Ikalawa ng Pebrero Dos Mil Otso Anyo

Mahahagkan pa ba ng iyong mga mata ang pait ng mugto kong

Dilang ubod talim na sadyang kalalimang sa talas at tabas

Magtatampisaw ba ang iyong mga paa sa lalim ng kaalatan

Ng dagat-dagatan at talampas kong’ luha, sa kanilang agos at baha

San lumiko ang batis ng iyong ngiti at pagbati

bakit ni wala nang ‘sa man lang gapatak na halakhak

Kanino na ngayon manunuluyan ang puso kong

nagsisinungaling at mapagtago

para sa kahapon

para sa bukang liwayway bukas

ily

vicente katipunan sanchez



martsa marso

Labels: , , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home