huling patak ng luha – ‘sang kaunaunahan
pagpikit sa karimlang dilim pumatak ang huling luha
perlas na parihaba, mistulang sundang ng sinagtala
gumuhit, umukit, humiwa pagitna sa bahag ng hari
pailanlang, bumulusok, ‘sang santelmong nagkunyari
pagsabog ng buto, suntok ng Diyos sa mukha ng lupa
dumagundong pakulintang, kuliling ng kristal na tanikala
palangit tumilansik, pabulwak, ‘sang bulkang liwanag
san’libong tala nagmula lang sa ‘sang patak na luha
para sa mga lagalag na pumalupang mga anghel
noel, amiel, gabriel, ysmael at raziel
Mula kay azriel, ang kaluluwang alipin ng kalansay at bungo
*ang salitang pumalupa ay nangangahulugang bumabang kusa at hindi nalaglag o nahulog
Enero 16, 2007
to the man who touched the orb
the silver sphere that spinneth a thousand lights
the man whose back I held while
he stretched for the revolving rotating core
of the seven elliptical heavens
to the man whom I laid my eyes on in the dark
the dark where we came back to
with his captured single ray of light
to the unsimple simple man now made into immortal light
to you
for you
and for you my angel of light
for my here and now
17th of January of the year 2007 of my here and now
Labels: bahaghari, dark, disco ball, halik, heaven, huling patak ng luha, madonna, pagbangon, poetry, ray of light, santelmo, seven, singatala, tula
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home